Nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte bilang presidential at vice presidential frontrunner para sa May 2022 elections batay sa isang inilabas na independent survey noong Lunes.
Sa pag-aaral na isinagawa ng OCTA Research noong Enero 26 hanggang Pebrero 1, nanguna ang alkalde sa survey, kung saan 22% ng mga respondents ang nagsabing siya ang dapat na maging susunod na Pangulo ng bansa.
Sumunod naman kay Duterte si Sen. Grace Poe (13%), Sen. Manny Pacquiao at dating Sen. Bongbong Marcos (12%), at si Manila Mayor Isko Moreno (11%).
Naging huli naman si Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 5% sa nasabing independent survey.
Sa vice presidential race, nanguna rin si Duterte sa 14%. Sinundan naman ito nina Moreno at Pacquiao na may 11% pareho.
Tinatayang nasa 1,200 respondents ang nakiisa sa Tugon ng Masa National Survey ng OCTA na isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews.