DA: Presyo ng isda, gulay sisirit sa Semana Santa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inihayag ng Department of Agriculture na simula sa Lunes Santo, inaasahang tataas ang presyuhan ng gulay at mga isda sa mga pamilihan dahil sa pagtaas ng demand dito ng publiko ngayong Holy Week.

Nilinaw ni Agriculture spokesperson at Asst. Secretary Arnel de Mesa na hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng isda at gulay dahil tuwing mahal na araw ay ito ang karaniwang pagkain ng mga katoliko sa panahon ng Semana Santa.

“People are weaning away from consuming pork and other protein kagaya ng baka,” aniya.

“Kasi tayo, 85 percent Catholics ang mga Pilipino so that drives alone, na mga Katoliko na nagninilay, kasama na iyon especially for Black Friday,” dagdag pa ni De Mesa.

Sa ngayon naman anya ay mababa pa ang presyo ng isda tulad ng bangus at tilapia dahil may sapat na suplay dito ang bansa sa kasalukuyan. Para sa mga gulay, maaaring magkaroon din ng bahagyang pagtaas.

“Sa gulay, ganun din halos parehas sa isda pero hindi kagaya ng isda na mas mahal, mas malaki iyong tinataas,” aniya pa.

Samantala, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA nagkaroon ng tapyas sa presyo ang ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Marso.

Kabilang sa bumaba ang presyo ay ang ba­ngus, kamatis, pulang sibuyas, kalamansi at pulang asukal.

Ayon sa PSA, bumaba ng P1.00 ang presyo ng kada kilo ng bangus na nasa P212 sa ­unang bahagi ng Marso. Nasa halos P10 naman ang ibinaba sa presyo ng kamatis na ngayon ay may average retail price na P88.55 kada kilo mula sa P98.37 kada kilo noong nagdaang buwan ng Pebrero.

Malaki rin ang ibinaba sa presyo ng sibuyas na nasa P144.32 kada kilo mula sa P162.62 na presyuhan nito noong Pebrero.

Samantala, ang pre­syo ng well milled rice ay bahagyang umakyat sa P56.90 kada kilo nitong unang bahagi ng Marso. Mayroon ding naitalang pagtaas sa presyo ng liempo na naitala sa P352.41 kada kilo mula sa P346.61 noong Pebrero.

LATEST

LATEST

TRENDING