MANILA – Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magdadala sa Pilipinas ng foreign investment ang isinasagawang World Economic Forum (WEF) Country Roundtable.
“The WEF Country Roundtable amplifies our message of progress and prosperity, resonating with potential investors both at home and abroad. It reinforces the narrative of the Philippines as a dynamic and resilient economy, ripe with opportunities for those willing to partner with us in our journey towards shared prosperity,” sabi ni Romualdez.
Si Romualdez ang nag-host ng cocktail para sa mga delegado ng WEF CEO Roundtable noong Martes sa makasaysayang Laperal Mansion na ipinaayos ng administrasyong Marcos.
Ayon sa lider ng Kamara ang pagdaraos ng WEF sa bansa ay isang indikasyon na nakikita ng mga dayuhan ang Pilipi-nas bilang isang destinasyon para sa pamumuhunan at ang kahalagahan na magawa ng administrasyong Marcos ang mga pagbabagong kinakailangan sa mga polisiyang sumasaklaw sa pamumuhunan.
“By participating actively in these discussions, we reaffirm our dedication to sound governance, transparency, and inclusive growth,” dagdag pa nito.
Bago mag-alok ng toast sa mga delegado, muling inulit ni Romualdez ang suporta ng Kamara sa pagnanais ng administrasyon na maparami ang dayuhang pamumuhunan sa bansa upang dumami ang mapapasukang trabaho at mapa-angat ang ekonomiya ng bansa.