SC inurot sa anti-political dynasty

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Supreme Court Speaks on Emerging Justice Needs in the Digital Era | eLegal  Philippines

MANILA – Naghain ng petisyon sa Supreme Court ang isang grupo ng mga abogado para utusan ang Senado at Kamara de Representantes na magpatibay ng batas upang ipagbawal ang political dynasty.

Sa 46 pahinang petisyon ng mga abogadong sina Rico Domingo, Wilfredo Trinidad, Jorge Cabildo at Ceasar Oracion, kanilang giniit na ob-ligasyon ng Kongreso na magpatibay ng batas upang ipagbawal ang political dynasty alinsunod sa isinasaad ng Konstitusyon.

Nakapaloob sa Section 26, Article II ng 1987 Constitution na: “the state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Ayon naman kay Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, wala siyang nakitang masama sa political dynasty dahil nagbibigay ito ng kalayaan sa mga botante na magdesisyon na pumili ng kanilang lider.

Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader Francisco Paolo Ortega na nasa tao o botante pa rin ang desisyon kung sino ang iboboto nito kung kaya’t hindi na isyu ang political dynasty. 

LATEST

LATEST

TRENDING