AFP: Barko ng China sa West Philippine Sea, dumami pa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

China harassment continues in WPS | The Manila Times

MANILA — Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nadagdagan pa ang bilang ng mga namamataang barko ng China sa bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, simula nitong Martes, nasa walong Chinese Maritime militia vessels, habang anim naman ang barko ng China Coast Guard ang namataang nakapalibot sa nasabing bahura.

Sinabi naman ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad na ayaw nilang gumawa ng ispekulasyon hinggil sa pagdami ng mga barko ng China sa nasabing lugar.

Kailangan lamang na maging mahigpit sa monitoring upang nalalaman ang galaw ng China.

Ani Trinidad, hindi nakakaalarma ang naturang bilang lalo’t normal na aktibidad lamang ang ginagawa nito kumpara sa mga naitatala nilang bilang sa mga nakalipas na panahon.

Gayunman, sinabi ni Trinidad na sa sandaling magkaroon na ng malaking pagbabago sa ikinikilos ng China sa bahaging iyon ng karagatan, doon na dapat maalarma ang Pilipinas at dapat nang maghanda.

Tiniyak ni Trinidad na hindi magpapaagrabyado ang Pilipinas sa kabila ng mga pambu-bully ng China sa mga barko ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING