Sara Duterte, nanguna sa isang presidential at VP survey para sa 2022 elections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Davao City Mayor Sara Duterte

Nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte bilang presidential at vice presidential frontrunner para sa May 2022 elections batay sa isang inilabas na independent survey noong Lunes.

Sa pag-aaral na isinagawa ng OCTA Research noong Enero 26 hanggang Pebrero 1, nanguna ang alkalde sa survey, kung saan 22% ng mga respondents ang nagsabing siya ang dapat na maging susunod na Pangulo ng bansa.

Sumunod naman kay Duterte si Sen. Grace Poe (13%), Sen. Manny Pacquiao at dating Sen. Bongbong Marcos (12%), at si Manila Mayor Isko Moreno (11%).

Naging huli naman si Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 5% sa nasabing independent survey.

Sa vice presidential race, nanguna rin si Duterte sa 14%. Sinundan naman ito nina Moreno at Pacquiao na may 11% pareho.

Tinatayang nasa 1,200 respondents ang nakiisa sa Tugon ng Masa National Survey ng OCTA na isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

LATEST

LATEST

TRENDING