Marcos tiwala sa 8% pagsirit ng ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makakamit ng gobyerno ang target na 8% paglago ng ekonomiya sa ilalim ng kanyang termino.

Sa panayam ng Bloomberg Television sa pangulo sa Malacañang, sinabi nitong tiwala siyang makakamit ang target dahil nakatutok ang kanyang administrasyon sa pagpapalakas at pagpapaangat sa kaunlaran ng Pilipinas.

Walang hinangad aniya ang kanyang gobyerno kundi ang pinakamaganda at pinainam na resulta para sa mga Pilipino.

“You know, we plan. We always plan for the ideal. We don’t plan for a mediocre result. We plan for a very good result. And as I said, we just have to adjust along the way, as we continue to transform the economy. But, yes, I think it is, I think it is doable,” anang pangulo.

Positibo rin ang pangulo na makakamit ng gobyerno ang 6.5 ang 7.5 percent target na paglago ngayong 2024 dahil may mga ipinatutupad na polisiya ang gobyerno upang matugunan ang epekto ng economic shock at COVID 19 pandemic sa bansa.

Ipinagmalaki ng presidente na tumaas ang halaga ng piso sa loob ng tatlong buwan na magandang indikasyong lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas.

LATEST

LATEST

TRENDING