MANILA – Hindi gagawing pananggalang ng Pilipinas ang Amerika sakaling lumala ang tensiyon sa mga inaangking teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos matanong kung magpapasaklolo kaagad ang Pilipinas sa Estados Unidos sakaling tumaas nang husto ang mga kaganapan sa WPS sa pagitan ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard.
Sinabi ng presidente na masyadong mapanganib ang kaisipang tatakbo agad ang Pilipinas sa aniya ay “Big Brother” dahil hindi ganito ang paraan para malutas ang problema.
Gagawin aniya ng gobyerno kung ano ang nararapat at hindi dahil sa utos ng Estados Unidos.
“It is dangerous for one to think in terms of when somethings goes wrong, we’ll run to Big Brother. That’s not the way we treat it at all. We do this for ourselves. We do this because we feel that we have to do it. And it’s not at the behest of the United States,” anang pangulo.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na bagama’t mayroon nang nagaganap na pag-ookupa sa mga teritoryo ng Pilipinas, gi-nagawa pa rin ang mga paraan upang maiwasan ang mga hindi magandang kaganapan, dahil ang isinaalang-alang ay kapayaaan para sa pambansang interes.