PAGASA: Mainit na panahon titindi pa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Makakaranas ng patuloy na pag-init ng panahon sa bansa partikular sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagtatapos ng northeast monsoon o amihan ngayong linggo.

“May konting northeast pa but this week maybe we will terminate na ang northeast that will trigger warm and dry season,” sabi ni  Ana Solis, hepe ng Climatology at Agrometology division ng PAGASA.

Dahil anya sa inaasa­hang pagtatapos ng amihan ngayong linggong ito ay asahan na ang mainit na panahon na gayundin sa Holy Week at sa pagsisimula ng buwan ng Abril.

Una nang sinabi ni Solis na aabutin ng higit 40 degrees celcius ang init factor na mararanasan sa bansa lalo na sa Metro Manila pagpasok ng Abril dulot ng epekto ng El Niño.

Ang mainit na panahon anya ay mararanasan hanggang Mayo kayat pinapayuhan ang publiko na mag-ingat  at huwag lalabas ng tahanan mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon kung wala namang mahalagang lakad.

Nagpayo naman ang mga health expert na ugaliing uminom ng tubig sa panahon ng tag-init para makaiwas sa dehydration at magsuot ng mga preskong damit para hindi masyadong makaramdam ng matinding init.

LATEST

LATEST

TRENDING