LRT walang biyahe sa Semana Santa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Biyahe ng LRT-1, suspendido rin sa Semana Santa | Pang-Masa

MANILA — Suspendido rin ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Semana Santa.

Sa anunsiyo kahapon, sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, nabatid na magsisimula ang suspensiyon ng operasyon ng rail line, sa Marso 27, Miyerkules Santo, hanggang sa Marso 31, Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon sa LRMC, layunin nitong bigyang-daan ang kanilang taunang maintenance activities at mandatory testing activities na may kinalaman sa Alstom signaling system para sa Cavite Extension project ng LRT-1. Magbabalik umano ang normal na operasyon ng LRT-1 sa Abril 1, Lunes.

Matatandaang una nang nagdeklara ng suspensiyon ng operasyon para sa Mahal na Araw ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).

LATEST

LATEST

TRENDING