LRT-2, nag-aalok ng libreng sakay sa Rizal Day

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nag-aalok ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Rizal Day, Disyembre 30.

Ito ay bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-127 anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal sa Sabado.

Sa Facebook post ng LRT Authority, ang libreng sakay ay simula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station dakong 5:00 ng madaling araw .

Ang huling tren ay aalis naman sa Antipolo Station dakong 9:00 gabi at sa Recto Station dakong 9:30 ng gabi.

LATEST

LATEST

TRENDING