Dagdag-sahod para sa mga guro, isinusulong pa rin sa Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kumpiyansa pa rin ang ilang kongresista na mapagtibay na ang panukalang taas-suweldo para sa mga guro.

Sakaling maisabatas ang House Bill 1851, mula Salary Grade 11 ay gagawing Salary Grade 19 ang salary grade level ng public elementary at high school teachers para makasabay sa inflation rate.

Ang panukalang batas ay pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara upang taasan ang teaching supplies ng mga guro.

Sa pahayag naman ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, kumpiyansa ito na sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa susunod na taon ay maaprubahan na rin ang House Bill 1851.

Maisasakatuparan na ang campaigm promise ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na wage increase para sa mga guro upang matulungan ang mga ito sa tumataas na cost of living.

LATEST

LATEST

TRENDING