125,000 OFWs sa Taiwan, makikinabang sa taas-suweldo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nasa 125,000 Pinoy sa Taiwan ang inaasahang makikinabang sa inaprubahang taas-suweldo kamakailan.

Paliwanag ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), ang dagdag sahod ay inaprubahan o isinabatas ng Legislative Yuan ng Taiwan bago mag-Pasko.

Nakapaloob din sa batas ang magiging parusa sa mga employer na hindi susunod sa employment contract.

Sa panig naman ni MECO Chairperson, Resident Rep. Silvestre Bello III, isang magandang regalo ngayong Pasko para sa mga Pinoy worker ang naging hakbang ng Taiwanese government.

Sa ilalim ng nasabing batas, aabot na sa NT$27,470 o ₱46,699 mula sa dating NT$26,400 o ₱44,800 ang magiging buwanang suweldo ng mga Pinoy worker sa lugar.

Nauna nang idinahilan ng Taiwan na layunin ng hakbang na makasabay ang mga ito sa mataas na cost of living.

LATEST

LATEST

TRENDING