NSC: Bukas ang Pilipinas sa pakikipag-usap sa China, may kondisyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Bukas pa rin ang Pilipinas sa pakikipagdayalogo sa China hinggil sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West ­Philippine Sea, ngunit may kondisyon.

Ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, magiging matagumpay at mabunga ang usapin kung ititigil ng China ang pang-aapi nito gayundin ang mga agresibo at iligal na hakbang na siyang naglalagay sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon sa balag ng alanganin.

Ani Malaya, wala namang naniniwala sa mga pahayag ng China hinggil sa 10-dash line claim nito at wala ring anumang bansa ang nagpahayag ng suporta rito.

Binigyang-diin pa ni Malaya na ang ugat ng tensyon sa West Philippine Sea ay ang hindi pagsunod ng China sa International Law, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at ang 2016 Arbitral Award.

Dagdag pa ni Malaya, alam sa buong mundo na hindi ang Pilipinas ang nang-aapi, naghahamon at nagiging agresibo sa West Philippine Sea sa halip, malinaw na ang China ang gumagawa nito.

Kailangan aniya ang sinseridad ng China sa pakikipag-usap upang mas maging tagumpay at produktibo ang ugnayan ng mga bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING