31K jeepney huhubaran ng prangkisa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Umaabot sa 31,058 jeepney sa Metro Manila ang posibleng hubaran ng prangkisa dahil sa kabiguan na mag-consolidate sa ilalim ng PUV Modernization Program (PUVMP).

Katumbas ito ng 73.5% ng traditional jeepneys sa National Capital Region, ayon sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Marami pang lugar ang hindi nakakasunod sa PUVMP consolidation tulad ng 66% sa Calabarzon at 63% sa Zamboanga Peninsula.

Sa Disyembre 31, 2023 na ang deadline sa consolidation ng mga public utility vehicles matapos panindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag nang magbigay ng panibagong extension.

Inoobliga ang mga traditional jeepney na mag-consolidate sa pamamagitan ng pagsali o pagbuo ng kooperatiba o korporasyon upang dito idaan ang pautang na ipambibili ng modernized jeepney.

Hanggang nitong Miyerkoles, sinabi ni Manibela chairman Mar Valbuena na wala pa ring paramdam ang gobyerno kung palalawigin pa ang deadline sa consolidation ng mga jeepney.

“Sa ngayon wala tayong naririnig sa LTFRB o kahit anuman sa gobyerno na magpapalawig sa hiling natin sa kanila na ibalik ang ating mga prangkisa at provisional authority,” malungkot na pahayag ni Valbuena.

Kinontra rin ni Valbuena ang datos ng LTFRB na higit 31,000 jeepney lang sa Metro Manila ang na¬nganganib mawalan ng prangkisa.

“Sa pagtaya natin, hindi bababa sa 40,000 itong mga hindi nakapag-consolidate dito lamang sa NCR,” dagdag ng Mani-bela chairman.

LATEST

LATEST

TRENDING