200K bagong trabaho ibinida ng Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinagmalaki ng Malacañang na hindi lamang bilyon-bilyong pisong halaga ng pamumuhunan ang resulta ng foreign trips ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kundi pati na rin ang may 200 libong trabaho para sa mga Pilipino.

Batay sa report ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Palasyo, mahigit 200,000 oportunidad na trabaho para sa mga Pilipino ang naging bunga ng mga biyahe sa abroad ng pangulo simula sa huling quarter ng 2022 hanggang 2023.

Sa inilabas na update ng DTI, nakapagtala ng 7,000 oportunidad sa trabaho ang naging biyahe ng Presidente sa Indonesia; 14,932 sa Singapore at 98,000 sa New York, USA.

Naitala naman ang 5,500 na job opportunities sa naging biyahe ng Pangulo sa Thailand; 6,480 mula sa biyahe sa Belgium at 730 naman mula sa Netherlands mula sa investment mission ng DTI.

Bahagi ng 200,000 na trabaho ay resulta ng mga naging biyahe ng presidente nitong 2023 sa mga bansang China, Japan, Malaysia, Singapore, Estados Unidos at Japan.

LATEST

LATEST

TRENDING