MANILA – Tumaas pa sa 2,725 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) mula Disyembre 12 hanggang 18, 2023.
Base sa datos ng National COVID-19 Case Bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes nang hapon, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 389.
Ito umano ay mas mataas ng 50 porsiyento kumpara sa mga kasong naitala noong Disyembre 5-11.
Sa mga bagong kaso, 16 ang may malubha at kritikal na karamdaman habang mayroon ring naitalang 16 na pumanaw, kabilang ang 13 na binawian nang buhay noong Disyembre 5 hanggang 18.
Ayon sa DOH, mula sa 1,101 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, nasa 142 o 12.9% ang okupado. Nasa 1,841 naman o 18.3% ng 10,045 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.