DOH: Covid-19 beds sa 3 ospital, puno na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Puno na ang COVID-19 hospital beds sa tatlong malaking ospital sa Metro Manila dahil sa panibagong pagtaas sa mga kaso ng dinadapuan ng virus ngayong Disyembre, ayon sa Department of Health (DOH).

Tinukoy ni Health Undersecretary Eric Tayag ang mga ospital na Philippine Children’s Medical Center, National Kidney Transplant Institute at The Medical City.

“Sa pangkalahatan, ang ibang rehiyon naman ay hindi pa umaabot sa ganong sitwasyon,” paglilinaw ni Tayag.

Sa kabila ng pagpapalabas ng Philippine General Hospital ng memorandum ng muling paggamit ng facemask sa loob ng ospital, sinabi ni Tayag na ipinauubaya nila sa pamunuan ng ibang pagamutan o kaya naman sa lokal na pamahalaan kung susunod sila sa naturang hakbang.

Inirerekomenda lamang ng DOH ang pagsusuot ng facemask sa mga senior citizens, buntis, mahina ang katawan, at mga populasyon na hindi nakakumpleto ng kanilang anti-COVID vaccines.

LATEST

LATEST

TRENDING