DOH: Covid-19 tumaas ng 36 percent

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,821 bagong kaso mula ­Disyembre 5 hanggang 11.

Ito ay mas mataas ng 36 percent kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4.

Sa national Covid-18 case bulletin, nasa 260 na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo.

Sa mga bagong kaso, 13 ang may malubha at kritikal na karamdaman habang 13 na ang pumanaw, kabilang ang anim na naganap noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 11.

Noong Disyembre 10, 2023, mayroong 228 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital sa buong bansa dahil sa Covid-19.

Pinaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag ma­ging kampante sa banta ng Covid-19 at boluntaryong magsuot ng face mask para makaiwas maging sa ibang sakit.

LATEST

LATEST

TRENDING