Inflation bumagal sa 4.1 porsyento noong Nobyembre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nakaranas ang mga mamimili ng kaunting “inflation relief” noong Nobyembre matapos bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kumpara sa nakaraang buwan.

Sa kabila nito, nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) na ang mataas na inflation sa bigas at dairy products ay maaari pa ring makaapekto sa mga consumers sa kapaskuhan.

Sa press briefing nitong Martes, sinabi ng PSA na ang inflation ay bumagsak pa sa 4.1% noong Nobyembre, bahagyang pagbaba mula sa 4.9% noong Oktubre at mas mabagal kaysa sa 8.8% na inflation rate noong Nobyembre 2022.

Ang pagbaba ng inflation rate noong Nobyembre ay maaaring maiugnay sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng mga gulay at iba pang pagkain at inuming nakalalasing na nagtala ng 5.8% mula 7.0% ng nakaraang buwan at bahagyang pagbaba sa inflation ng gasolina.

Ang inflation ng pagkain noong Nobyembre ang pinakamababa rin mula Mayo 2022 (5.2%).

Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa na ang kapansin-pansing paghina ng presyo ng mga gulay ay dahil sa kawalan ng weather disturbances na nakakaapekto sa suplay.

LATEST

LATEST

TRENDING