Mga labi ng tao, narekober malapit sa guho ng Titanic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinaniniwalaang mga labi ng tao ang narekober mula sa debris ng Titan sub na sumabog malapit sa pinaglubugan ng Titanic noong nakaraang linggo.

Ayon sa US Coast Guard, susuriin ng mga medical professional sa US ang nakuhang mga debris para matukoy ang mga labi.

Lulan ng Titan sub ang British billionaire na si Hamish Harding, French submarine expert Paul-Henri Nargeolet, Pakistani-British tycoon Shahzada Dawood at ang kanyang anak na si Suleman at Stockton Rush, founder at chief executive officer (CEO ) OceanGate company na may-ari ng sumabog ng submersible noong Hunyo 18 sa Atlantic Ocean.

Noong Nakaraang lingo, winakasan ng Pelagic Research, ang kumpanya ng New York na nagmamay-ari ng Odysseus remote-operated na sasakyan na ginamit sa paghahanap para sa Titan sub, dahil imposible na anilang mabuhay pa sa ilalim ng dagat ng walang oxygen ang limang pasahero nito. (Abante) 

LATEST

LATEST

TRENDING