MANILA – Maaaring pirmahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 24.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na sinabi na mismo ni Pangulong Marcos na pipirmahan niya ang MIF bill kapag nilagay na ito sa kanyang mesa sa Malacañang.
“I think it will be signed before the SONA,” wika ni Diok¬no sa isang forum sa Maynila.
Ang enrolled bill ang nilagdaan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos ang aber¬ya sa kuwestiyonableng probisyon ng panukala.
Hinihintay na lang umano itong mapirmahan¬ ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez bago dalhin sa Malacañang.