Mayon, bahagyang humupa ang aktibidad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Bahagyang humupa ang aktibidad sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa 24 hour monitoring ng PHIVOLCS, isa lamang ang naitalang volcanic earthquake ng bulkan kahapon sa kabila na mahigit 100 volcanic earthquakes na naitala nitong nagdaang Martes, June 27.

Gayunman, umakyat naman sa 372 ang rockfall events sa bulkan at mayroon ding 7 Dome-collapse pyroclastic density current events.

Nagpapatuloy rin ang lava flow sa bunganga ng bulkan na umabot sa 1.6 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.2 km sa Bonga Gully. May pagguho rin ng lava hanggang 3.3 km mula sa crater ng Mayon.

Nasa 964 tonelada naman ng asupre at 800 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan na napadpad  sa kanluran-hilagang kanluran.

Sa kabila nito niliwanag ng PHIVOLCS na hindi pa nila nakikita ang pangangailangan na iakyat ang alert level sa bulkang Mayon na ngayon ay nananatiling nasa Alert Level 3.

LATEST

LATEST

TRENDING