PCG: 10 navigational buoys sa West Philippine Sea, nananatili

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Taliwas sa ulat na tinanggal na ang mga buoy na inilagay sa West Philippine Sea (WPS), nanatili pa rin ang mga ito sa pinag-lagyang lugar, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ginawa ng PCG ang reaksyon, matapos ang ulat ng Chinese media na sinabing nakolek­ta ng mga mangingisdang Tsino ang lahat ng buoys na ipinakalat ng bansa na may proteksyon ng mga barko ng China Coast Guard.

Napaulat na sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea affairs noong Biyernes na nananatili ang 10 buoys ng PCG na ibinagsak sa WPS.

Noong 2022, limang buoy ang inila­gay malapit sa Lawak (Nanshan), Likas (West York), Parola (Northeast Cay), at Pag-asa (Thitu) Island.

Noong Mayo 2023, limang buoy ang na-install sa mga isla ng Patag (Flat), Kota (Loaita), Panata (Lankiam Cay), at ang fishing ground ng Balagtas (Irving) Reef at Julian Felipe (Whitsun) Reef.

Bilang tugon, nag-deploy din ang China ng buoy vessel sa WPS makalipas ang ilang araw.

Ang mga aksyon ng China ay ginawa dahil sa patuloy nilang paggigiit na pag-aari nito ang halos lahat ng mga lugar sa South China Sea, kabilang ang WPS.

LATEST

LATEST

TRENDING