VP Sara, Raffy banggaan sa 2028

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanguna sina Vice President Sara Duterte at Sen. Raffy Tulfo sa pinakahuling Tangere presidential survey for 2028 na isinagawa noong Mayo 22 hanggang 24.

Ayon sa survey, 3 hanggang 4 sa bawat sampung Pilipino o 39 percent ang pinili si Duterte kung ang 2028 Presidential Elections ay gaganapin nga­yon.

“This is driven by respondents from Mindanao (3 out of 4 prefer VP Sara as president), Visayas, Northern Luzon and Central Luzon,” ayon sa Tangere.

Nakabuntot kay Duterte si Tulfo na may 30 percent, pangatlo si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 9 percent at sina dating Vice President Leni Robredo at Senator Grace Poe ay parehong may 8 percent.

Ang iba pang binanggit sa survey na nakakuha ng 2 percent ay sina Sen. Imee Marcos at dating Senator Manny Pacquiao. Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay nakakuha lamang ng 1 percent.

Binanggit ng Tangere na nangunguna si Tulfo bilang second choice sa pagkapresidente kung hindi tatakbo si Duterte.

Nanguna naman ang pangalan ni Robredo sa tanong kung sino ang potensyal na kandidatong hindi nila iboboto.

Ang non-commissioned survey ay isinagawa matapos ang pagbibitiw ni Duterte sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) party.

LATEST

LATEST

TRENDING