Pagbaha, landslide idudulot ni ‘Betty’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang mga pag-uulan na dala ng bagyong Betty sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

Sa 11 am bulletin ng PAGASA, bumagal ang bagyo habang kumikilos patungong hilaga-kanluran sa karagatan ng Cagayan.

Namataan ang sentro ni Betty sa layong 470 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 155 km bawat oras at pagbugso na 190 km bawat oras.

Dulot nito, Signal number 2 sa Batanes at sa northeastern portion ng Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands.

Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao,  northern at central portions ng Aurora, Quirino, northeastern portion ng Nueva Vizcaya, northern portion ng Catanduanes, northeastern portion ng Camarines Sur, Pollilo Islands, northern portion ng Camarines Norte, at northern at central portions ng Ilocos Sur.

Si Betty ay kumikilos sa pagkalahatang direksyon ng hilagang kanluran at magiging stationary ng Martes at Miyerkules habang nasa karagatan ng Batanes.

Sa Huwebes ay bahag­yang lalakas si Betty pa­puntang Taiwan at southern portion ng Ryukyu Islands. Si Betty ay lalabas sa Phi­lippine Area of Responsibi­lity (PAR) sa Biyernes.

LATEST

LATEST

TRENDING