Dagdag allowance ng public school teachers, lusot sa Senado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ang teaching­ supplies allowance ng mga guro sa lahat ng pampublikong paaralan.

Sa botong 22 pabor at wala namang pagtutol ay pinagtibay na sa plenaryo ng mataas na kapulungan ang Senate Bill 1964 o ang Kabalikat sa Pagtuturo Act na iniakda ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Kapag naging ganap na batas ang panukala, ang bawat public school teacher ay makakatanggap ng P7,500 na supplies allowance para sa school year 2023-2024 at itataas ito sa P10,000 pagsapit naman ng school year 2024-2025.

Sa kasalukuyan ay nasa P5,000 lamang ang allo­wance para sa pagbili ng mga guro ng kanilang mga kagamitan sa pagtuturo.

Nakasaad din sa panukala ang automatic adjustment ng allowance kada tatlong taon para makaagapay sa pagbabago ng presyo ng mga teaching supplies, mate­rials at iba pang gastusin sa pagtuturo.

Sa sponsorship ni Revilla noong nakaraang linggo, ay sinabi nitong nauubliga ang mga teacher maglabas ng sarili nilang pera para makabili ng mga materyales at iba pang supplies na ginagamit nila sa pagtuturo at hindi na sapat ang tinatanggap nilang P5,000 kada taon  o P24 kada araw.

Sinabi pa ni Revilla na ang kasalukuyang cash allo­wance ay kabilang na ang P500 alokasyon para sa medical examination, na kung ibabawas pa umano ang gastos sa teaching materials ay bababa pa sa P22 kada araw.

Ang isang kahon ng chalk ay P68, ream ng bond paper na P120 at internet load na pangunahing kaila­ngan sa pagtuturo lalo noong kasagsagan ng pandemya.

LATEST

LATEST

TRENDING