48 armed groups minomonitor ng PNP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Minomonitor ng Phi­lippine National Police (PNP) ang nasa 48 private armed groups bilang paghahanda sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Sa pahayag ni  PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. patuloy ang ginagawa nilang monito­ring sa tatlong aktibong private armed groups at 45 potential armed groups na kikilos sa nalalapit na halalan.

Ayon naman kay PNP Public Information  Office chief BGen Redrico Maranan, kumikilos na ang kanilang intelligence group upang maisagawa ang posibleng pagdakip at pagkumpiska sa mga armas ng mga ito.

“Kung sa pagtaya ng ating mga ground commander ay kailangan magkaroon ng search warrant operations para makuha natin ‘yung iligal na armas sa kanilang pag-iingat,” ani Maranan.

Maari ring gamitin ang PAGs ng mga tiwaling pulitiko at indibiduwal sa barangay at SK elections.

Tiniyak naman ni Maranan na mas paiigtingin nila ang kanilang operas­yon laban sa illegal firearms sa panahon ng halalan.

“Sisiguruhin natin sa susunod na eleksyon ay magiging tahimik at mapayapa,” ani Mara­nan.

Una nang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson Atty. John Rex Laudiang­co na 100% na silang handa sa BSKE na gagawin sa Oktubre 30.

LATEST

LATEST

TRENDING