PSA: Mga Pinoy na walang trabaho nabawasan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nabawasan ng 461,000 ang mga taong walang trabaho noong Marso kumpara sa nakaraang taon na dahilan kaya bumaba ang unemployment rate sa 4.7%.

Ayon sa Philippine Statistics Autho­rity, nasa 5.8% ang unemployment rate noong Marso 2022 at 4.8% naman noong Pebrero 2023.

Sabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, may 1.61 milyong tao ang nagkatrabaho nitong Marso kumpara Marso 2022 at karamihan dito ay nasa service sector. Mas malaki ito kaysa sa nabawas na dami nang walang trabaho dahil nadagdagan din ang tinatawag na labor force. Aniya, 48.53 milyon na ang mga taong may trabaho nung Marso

Pinakamaraming nadagdag na trabaho sa transportation and storage, kasama na ang mga airport shuttle, charters, paupahan ng mga sasakyan at iba pa. Sabi ni Mapa, 533,000 ang nadagdag na trabaho sa sektor na ito.

Ayon kay Mapa, nasa 48.53 milyong Pinoy ang may trabaho nung Marso 2023 samantalang nasa 46.97 milyon ito noong Marso 2022. 

LATEST

LATEST

TRENDING