DOH handa sa Covid-19 surge

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handang-handa sila ngayon sa anumang uri ng surge ng Covid-19 kasunod ng pag-amin na umakyat ang positivity rate nito matapos ang paggunita ng mga Pilipino sa Semana Santa.

Sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naitala na sa 7.6% ang positivity rate mula sa 6.9% noong nakaraang linggo. Lagpas ito sa ‘threshold’ o pamantayan na 5% na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Ani Vergeire, mula 274 average na kaso kada araw ay nasa 371 na ito.

Ngunit handang-handa umano ang health system ng bansa para sa panibagong surge kung mangyayari man ito. Ito ay dahil sa maayos nang sistema na naitakda sa mga pagamutan, dagdag na kaalaman ng mga healthcare workers at presensya ng mga bakuna at gamot.

Hindi rin umano dapat gamitin ang positivity rate sa antas na sitwasyon sa Covid-19 sa bansa.

Ipinaliwanag niya na mababa ngayon ang demand sa laboratory testing dahil sa marami sa mga tao ay gumagamit ng antigen testing o nagsi-self isolate na lang kapag nakaramdam ng sama ng pakiramdam.

LATEST

LATEST

TRENDING