DOH: Covid-19 aakyat sa 600 kada araw sa Mayo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA —  Nagpahayag ng pagkaalarma ang Department of Health (DOH) sa na-monitor na hindi pagsunod ng publiko sa ‘minimum health standards’ nitong mga nakalipas na linggo na posibleng dahilan ng pagtaas ng arawang kaso ng COVID-19 sa 600 sa kalagitnaan ng Mayo.

Sa prediksyon ng DOH nitong Abril 11, nasa pagitan ng 289 hanggang 611 ang inaasahan nila na magiging average na arawang kaso sa buong bansa sa Mayo 15 kung patuloy na hindi susunod ang publiko sa MPHS.

Bukod sa hindi pagsunod sa MPHS, ang iba pang factor na kanilang tinitingnan sa projection ay ang ‘transmission rate’ ng virus at lebel ng vaccination.

Sa Metro Manila, inaasahan na nasa pagitan ng 30-122 ang magiging daily cases pagsapit ng Mayo 15.

Ngunit nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ‘projections’ pa lamang ito at hindi pa ganap na mangyayari.

Sa kasalukuyan, nasa patag pa rin ang mga admisyon sa intensive care units (ICUs), severe at critical cases mula pa noong Pebrero.

Labis din na bumaba ang datos ng mga nasasawi makaraan na isang death dahil sa COVID-19 ang naitala nitong buong Marso 2023.

LATEST

LATEST

TRENDING