GCG babantayan merger ng Landbank, DBP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sisiguraduhin ng Governance Commission for GOCCs (GCG) na walang madedehado sa ikinakasang merger ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ito ang tiniyak ng GCG matapos ang sectoral meeting na dinaluhan ng mga stakeholder kung saan may mga legal concern na inihayag ang DBP.

Sinabi ni GCG Chairperson Justice Alex Quiroz na pag-aaralan nilang mabuti ang merger ng dalawang bangko upang masigurong pulido at hindi magkaroon ng problema sa operasyon at proseso ng mga ito.

Tungkulin aniya ng GCG na tiyaking pakikinaba­ngan ng estado ang pagsasanib ng LBP at DBP.

“GCG will have to look at the specifics of the merger as it involves two major banks that are state owned. We want to ensure that the merger is seamless and will not disrupt or cause issues or concerns in ther respective operations and processes,” ani Chairman Quiroz.

Ang merger ng nabanggit na mga bangko ay inanunsiyo ni Finance Secretary Benjamin Diokno matapos itong aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan makakatipid umano ang gobyerno ng limang bilyong piso kada taon.

Nangako ang GCG na isusumite kay Pangulong Marcos Jr. ang kanilang magiging rekomendasyon alinsunod sa kanilang mandato bilang central advisory, oversight at monitoring body sa lahat ng government owned and controlled corporations.

LATEST

LATEST

TRENDING