PNP: Index crime nationwide bumaba ng 16%

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Bumaba ng mahigit 16 porsyento ang Index Crime sa buong bansa sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa Philippine National Police.

Lumilitaw na 7, 865 index crimes mula Enero 1 hanggang Marso 25, na mas mababa sa 9, 375 insidente sa parehong panahon noong 2022.

Ang index crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motorcycle theft at vehicle theft.

Kasabay nito, ibinida ni Azurin ang tagumpay ng patuloy na kampanya kontra sa iligal na droga, kung saan P1.36 bilyong halaga ng droga ang narekober, at nakapagsampa ng kaso laban sa 14,481 arestadong drug suspects sa loob ng nabanggit na panahon.

Habang 17,418 ang naaresto sa pinaigting na paghahabol ng PNP sa mga wanted persons sa loob din ng panahong ito.

Sa kampaniya naman kontra sa loose firearms, sinabi ni Azurin na 1,993 ang naaresto at 6,726 firearms ang nakumpiska at narekober ng PNP mula Enero 1 hanggang Marso 24 ng taong ito.

LATEST

LATEST

TRENDING