PBBM: Duterte tutuluyan ng ICC! Tokhang probe tablahin na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Wala nang gagawing aksiyon ang gobyerno matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng Pilipinas na suspendihin ang pag-imbestiga sa umano’y extra judicial killings sa drug war ng admi­nistrasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes, sinabi nitong wala nang susunod na hakbang pa ang gobyerno sa ICC matapos tanggihan ang inihaing apela.

“We don’t have a next move. That is the extent of our involvement with the ICC. That ends all our involvement with the ICC because hindi na tayo puwedeng mag-appeal. The appeal has been – the appeal has failed. And there’s – in our view, there is nothing more that we can do in the government,” anang Pangulo.

Hindi na aniya makikipag-ugnayan pa ang Pilipinas sa ICC at hindi makikipagtulungan dahil sa panghihimasok nila sa soberenya at panloob na usapin ng gobyerno.

Malinaw aniya na pag-atake sa soberanya ng bansa ang panggigigil ng ICC na mag-imbestiga sa hi­git 6,000 napatay sa Oplan Tokhang ng nagdaang admi­nistrasyon.

“And so at this point, we essentially are disengaging from any contact, from any communication I guess with the ICC We ended up with the same position that we started with and that is we cannot cooperate with the ICC considering the very serious questions about their jurisdiction and about the – what we consider to be interference and practically attacks on the sovereignty of the Republic. So that’s pretty much it,” dagdag ng pangulo.

Nauna rito, binasura ng ICC ang inihaing apela ng Pilipinas na isuspinde ang imbestigasyon sa mga naganap na patayan sa ilalim ng Duterte administrasyon kaugnay ng madugong giyera kontra droga at ng diumano’y Davao Death Squad.

Sa kanilang desisyon na may petsang Marso 27, pinaliwanag ng ICC appeals chamber na nabigo ang Pi­lipinas na tukuyin ang “persuasive reasons” para masuportahan ang kanilang apela.

LATEST

LATEST

TRENDING