P10K ayuda bill binuhay sa Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Binuhay ng isang mambabatas mula sa Metro Manila ang panukalang pagbibigay ng P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Pilipino upang makatulong umano sa epekto ng pandemya at mataas na presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Taguig City Rep. Ricardo Cruz Jr. walang nakaligtas sa epekto ng pandemya at mataas na presyo kaya ang lahat ay dapat na tulungan ng gobyerno.

“No matter the age, occupation, or social class—were are all struggling,” sabi ni Cruz sa explanatory note ng kanyang panukalang Sampung Libong Pag-asa law (House Bill 7698).

Sa ilalim ng panukala, prayoridad na maging benepisyaryo ang pinakamahihirap na pamilya, senior citizens; persons with disabilities; solo pa­rents; natanggal o naalis sa trabaho; medical frontliners kasama ang mga barangay health workers; pamilya ng overseas Filipino workers; mga hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program; Filipino citizen na mayroong Phi­lippine National ID; at iba pang bulnerableng sektor.

LATEST

LATEST

TRENDING