MOU na pipigil sa cyber attack sa power system ng bansa, nilagdaan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nilagdaan ng National Intelligence Coordinating Council (NICA) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang isang Memorandum of Understanding (MOU) na naglalayong pigilan ang anumang cyber attack sa power system ng bansa.

Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa MOU nitong Lunes sa Malacañang.

Binanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati ang kahalagahan na mabantayan ang NGCP dahil mahalaga ang enerhiya sa buhay ng bawat Pilipino.

Ayon sa Pangulo, ang NGCP ay isang kritikal na bahagi ng seguridad at kakayahan ng bansa na magpatuloy bilang isang lipunan kaya isang mahalagang araw ang paglagda sa MOU dahil mas tatatag ang mga depensa laban sa anumang posibleng pag-atake sa sistema ng kuryente.

Sa ilalim ng MOU, ang NICA ay may tungkulin na tipunin ang mga nakolektang intelligence information mula sa iba’t ibang government instrumentalities, gumawa ng pagsusuri, mag assess ng data, at magrekomenda ng mga aksyon upang maingatan ang mga asset ng transmission ng NGCP.

Ang NGCP, sa kabilang banda, ay maaaring magbahagi ng mahahalagang impormasyon sa mga isyu sa seguridad na may kaugnayan sa enerhiya at magbigay ng teknikal na payo sa NICA.

Ang NGCP ay isang privately owned corporation na namamahala sa pagpapatakbo, pagpapanatili, at pagbuo ng power grid ng bansa na pag-aari ng estado, isang interconnected system na nagpapadala ng mga gigawatts ng kuryente sa libu-libong volt mula sa mga generator patungo sa mga consumers.

Sa kabilang banda, ang NICA ay ang pangunahing intelligence gathering at analysis arm ng pamahalaan na nagsasagawa ng hayag, tago, at lihim na mga aktibidad sa paniktik.

LATEST

LATEST

TRENDING