Amiyenda sa bank secrecy law inendorso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inendorso ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries sa plenaryo ng Kamara de Represen­tantes ang panukala na mag-aamiyenda sa Secrecy of Bank Deposits law upang makapaglagay ng anti-corruption mechanism sa operasyon ng mga bangko at iba pang financial institution.

Layunin ng House Bill 7446 na akda nina Quezon City Rep. Arjo Atayde, Manila Rep. Irwin Tieng, at Bulacan Rep. Linabelle Villarica na maalis ang hadlang sa imbestigasyon at prosekusyon ng mga korap o ilegal na financial action ng mga stockholder, may-ari, direktor, trustee, opisyal o empleyado na nasa ilalim ng pangangasiwa at regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“(The bill aims) to effectively combat tax evasion, money laundering and other financial crimes, address the unintended consequences or bank secrecy laws, and comply with international standards on transparency in financial transactions,” sabi sa panukala.

Sa ilalim ng panukala, ang BSP ay bibigyan ng kapangyarihan na magbukas ng deposito na iniimbestigahan nito kung mayroong nakitang batayan ang Monetary Board na maaaring nagkaroon ng panloloko, seryosong iregularidad o ilegal na aktibidad na nagawa ang stockholder, may-ari, direktor, trustee, opisyal o empleyado ng institusyon na pinangangasiwaan o nire-regulate ng BSP.

LATEST

LATEST

TRENDING