Online registration ng mga botante lusot sa Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang online registration ng mga botante.

Ang House Bill 7241 ay nakakuha ng 307 pabor na boto at isa ang tumutol. Aamyendahan ng panukala ang Voter’s Registration Act of 1996 (Republic Act 8189).

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isa sa mga may-akda ng panukala, na hikayatin ang mga kuwalipikadong mamamayan na magparehistro upang makaboto, at ma-update ang listahan ng mga botante.

Sa ilalim ng panukala ay maaari ng magsumite ng voter registration sa pamamagitan ng online platform. 

LATEST

LATEST

TRENDING