Malakihang foreign currency smuggling tutuldukan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isang technical working group ang binuo ng House committee on ways and means upang plan­tsahin ang panukala na magpaparusa sa bulk smuggling ng foreign currency at iba pang mone­tary instrument papasok at palabas ng Pilipinas.

Si AAMBIS-OWA party-list Rep. Lex Anthony Cris Colada ang mamumuno sa TWG.

Layunin ng panukala na hindi magamit ang bansa ng mga organized crime syndicate at terro­rist group sa kanilang mga financing activity.

Ang panukala ay tugon din sa paglalagay ng Financial Action Task Force sa Pilipinas sa gray list kaya mas nagiging mahirap ang pagproseso ng mga money transfer ng mga overseas Filipino worker at investor sa bansa.

Dahil nasa gray list mas nagiging masusi ang mga bangko sa abroad sa pagproseso ng mga ipadadalang pera sa Pilipinas at may mga pagkakataon na hindi ito pinapayagan.

LATEST

LATEST

TRENDING