DOE isinusulong ang WFH para makatipid sa kuryente

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinaplano na ng Department of Energy na magpatupad ng work-from-home setup upang makatipid sa kuryente.

Inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na balak din ng DOE na baguhin ang oras ng pasok sa loob ng ahensiya at gawing mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon mula Lunes hanggang Huwebes at work-from-home setups tuwing Biyernes.

Magiging bahagi aniya ito ng mga panandaliang interbensyon ng gobyerno para mabawasan ang mataas na inflation sa bansa.

Sinabi ni Diokno na ang panukalang ito ay iniharap kay Pangulong Marcos sa isang pulong ng Gabinete sa Palasyo.

Sakaling maging matagumpay ang eksperimento ng DOE, sinabi ni Diokno na ang daylight-saving time at ang apat na araw na in-person work-week at isang araw na WFH setup ay gagawin din sa ibang mga ahensya ng gobyerno.

Bagama’t hindi kakailanganin ng pribadong sektor na ipatupad ang parehong oras ng trabaho, sinabi niya na maaari rin silang mahikayat na gawin din ito.

Iminungkahi rin aniya ng DOE na panatilihing 25 degrees Celsius ang default temperature setting ng air-conditioning units.

Unang ipinatupad ng Pilipinas ang daylight-saving scheme noong 1973 global oil crisis na nagdulot ng matinding pagkawala ng kuryente.

LATEST

LATEST

TRENDING