Transport group palaban sa tigil-pasada

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sa kabila ng naging desisyon at pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawigin ang deadline sa mga jeepney operator na makasali o bumuo ng kooperatiba hanggang December 31, 2023, sinabi ng transport group na Manibela tuloy pa rin ang kanilang pitong araw na transport holiday simula sa Lunes.

“Isa lang ang sasa­bihin ko, tuloy po ang tigil-pasada,” diin ni Mar Valbuena, chairperson ng Manibela.

Sinabi ng LTFRB, maglalabas sila ng bagong memorandum circular na siyang magpapalawig sa prangkisa ng mga traditional jeepney kung sila ay makakasali sa kooperatiba o korporasyon mula sa dating deadline na Hun­yo 30.

Pero sinabi ni Valbuena na hindi pa nila nakikita ang dokumento bukod pa sa marami silang hinaing na hindi napapakinggan ng gobyerno.

“2021 pinutol ang consolidation. May mga iba-ibang transport coope­rative tapos noong pinutol ‘yon, ‘di kami natapos, basura na. Back to zero. Ngayon, kung gusto namin sumali, po-proseso ulit kami pero doon na sa naunang kooperatiba na nag-comply,” reklamo nito lalo pa’t napakalaki umano ng membership fee sa kooperatiba.

LATEST

LATEST

TRENDING