DFA: 83 Pinoy nasa death row sa ibang bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Umaabot sa 83 mga Pilipino sa iba’t ibang bansa ang nasa death row o nakapila sa parusang kamatayan.

Ito ang isiniwalat ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortez sa pagharap nito kahapon sa House Committee on Overseas Workers Affairs na pinamumunuan ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo.

Kabilang dito, ayon kay Cortez ay 56 sa Malaysia, 6 sa United Arab Emirates, 5 sa Saudi Arabia at 15 iba pa ay nasa mga bansang Bangladesh, China, Vietnam, United States, Japan at Brunei.

Sinabi ni Cortez na sa 56 Pilipino na nasa death row sa Malaysia, mahigit kalahati dito ay may kasong murder at 18 ay may kinalaman sa droga.

Karamihan anya sa mga nakapila sa capital punishment ay mga OFWs. Patuloy naman ang pagmo-monitor ng gobyerno sa progreso ng mga kaso ng mga Pilipino sa ibang bansa at pagtulong sa mga ito.

Sinabi ni Cortez na kasama dito si Mary Jane Veloso na naudlot ang nakatakdang pagbitay noong April 2015 sa Indonesia dahil sa pagbibigay nito ng testimonya laban sa kanyang mga recruiters na umano’y nanloko at nagsangkot sa kanya sa drug trafficking.

Nasa 56 Pilipino naman ang pinal ng papatawan ng death penalty sa kanilang mga kaso sa Malaysia kung saan malilibre lamang ang mga ito sa pagbitay kung gagawaran ng ‘pardon’ ng Pangulo ng nasabing bansa.

Samantala 1,267 Pinoy ang nakakulong dahil sa iba’t ibang kaso habang 2,104 ang hindi naman nakapiit pero patuloy na sumasailalim sa paglilitis.

Noong 2022 ay umabot na sa P288.5 milyon ang nagasta ng gobyerno sa pagpapauwi sa labi ng nasa 1,450 OFWs na kinabibilangan ng mga namatay sa COVID-19 sa kasagsagan ng pandemya, naaksidente at maging ang mga biktima ng krimen.

LATEST

LATEST

TRENDING