Iskul parusahan sa ‘no permit, no exam’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Isinusulong ni Senador Bong Go na maparusahan ang mga educational institutions na nagpapatupad ng “no permit, no exam” sa mga estudyante dahil lamang sa hindi nabayarang bayarin sa mga eskwelahan.

Sinabi ni Go, co-sponsor ng Senate Bill No. 1359, o No Permit, No Exam Prohibition Act, na ang nasabing polisiya ay nagbibigay pressure sa mga mag-aaral na dapat ay nakatuon lamang sa pag-aaral.

Sakop ng panukala ang lahat ng pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon kabilang ang mga paaralang elementarya at sekondarya, post-secondary technical-vocational institutes, at higher educational institutions.

Sa ilalim ng panukala, walang institusyong pang-edukasyon, pampubliko o pribado, ang dapat magpataw ng anumang patakaran na pumipigil sa mga mag-aaral na may outstanding financial o property obligations, na kumuha ng eksaminasyon o anumang uri ng educational assessment.

Gayunpaman, ang mga mag-aaral o ang kanilang magulang o legal guardian ay dapat gumawa ng pro­missory note na nagsasaad kung kailan maaayos ang kanilang obligasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING