P5K ayuda sa 4 milyong minimum wage earners, itinulak

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Sa gitna na rin ng mataas na inflation, isinulong sa Kamara na mabigyan ng tig-P5,000 ayuda ang nasa 4 milyong minimum wage earners sa bansa.

Kasabay nito, inirekomenda rin ni House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines Partylist Rep. Raymond Mendoza ang pagbuo ng isang “financial assistance program” na tatawaging “BBM Assistance Para Sa Manggagawang Pilipino” o BAMP para sa pamamahagi ng cash assistance na lubhang kailangan na.

Ayon kay Mendoza, labis na nagdurusa ang mga mamamayan dulot ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Sa ilalim ng BAMP, bibigyan ng ayuda na “one time big time P5,000” pinansiyal na tulong ang nasa 4 milyong minimum wage earners na ang pondo ay kukunin sa Presidential Social Fund. Binigyang diin pa ni Mendoza na layunin ng BAMP na matulungan ang kapwa mga manggagawa at negosyo sa matinding epekto ng ‘inflation’ .

Target din ng nasabing hakbangin na palakasin rin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagkonsumo o pagbili ng mga manggagawa ng mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya habang patuloy na bumabangon mula sa krisis ng COVID-19, giyera ng Russia at Ukraine, global recession at climate change.

Binigyang diin ng Kongresista na hindi biro ang record-high na 8.7% inflation rate, kaya napapanahong magkaroon ng “urgency” o mabilis na aksyon para tulungan ang mga manggagawa sa kahirapan at kagutuman.

LATEST

LATEST

TRENDING