DILG sa PNP : Polisiya sa pag-iisyu ng armas, rebisahin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na rebyuhin ang mga polisiya at proseso sa pag-iisyu at pagdadala ng armas sa bansa.

Kasunod na rin ito nang pananambang na ikinamatay ni Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at lima pa niyang kasamahan sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Siniguro rin naman ni Abalos na sa ngayon ay kumikilos na ang Special Investigation Task Force ng Police Regional Office para imbestigahan ang insidente at agad na mahuli ang mga responsable sa likod ng karumal-dumal na krimen na ito.  

Giit pa ni Abalos, dapat ding mas maging mahigpit pa ang PNP sa pagbibigay ng license to own firearms pati na ang permit to carry firearms outside of residence upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Bukod dito, kailangan din aniyang mas maging masigasig ang PNP sa pagsasagawa ng Oplan Katok o pagbibisita sa mga bahay upang kusang isuko ang mga armas na expired na o hindi rehistrado.

“Kapag hindi lisensyado, kumpiskahin agad,” ani Abalos.

Aniya pa, magsasagawa rin ng mas madalas na pagpapatrulya sa mga lansangan upang magdalawang-isip ang mga masasamang-loob na isakatuparan ang kanilang masamang balak.

LATEST

LATEST

TRENDING