MMDA bubuksan ang disaster preparedness training center

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Magbubukas  ng isang center para sa disaster preparedness training ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magtuturo sa mga emergency at calamity responders kung paano maghanda, tumugon, at makabangon mula sa mga sakuna.

Ang training center ay naglalayon na pagbutihin at i-institutionalize ang mga hakbang sa pagtugon sa sakuna sa Kalakhang Maynila at upang magbigay ng isang ligtas, kaaya-aya, at kontroladong kapaligiran sa pag-aaral upang bigyang kakayahan ang mga indibidwal at stakeholder sa pagtugon sa emergency at kaligtasan ng publiko.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang MMDA Disaster Preparedness Training Center ay na-conceptualize matapos makita ng ahensya ang mga gaps sa capacity-building at pagsasanay ng mga rescuers matapos ang lindol na tumama sa Abra province noong Oktubre ng nakaraang taon, kung saan ang mga rescuer ay kailangang magmula sa iba’t ibang lugar.

“The agency saw the need to build a center that will focus on disaster response to empower rescuers and provide those affected by disasters with immediate assistance,” ani Artes.

Isa rin itong hakbang sa paghahanda upang maiwasan ang mala­king bilang nang posileng masawi sakaling tumama ang 7.2-magnitude na lindol sa Metro Manila.

Sa pag-aaral, ang tinatayang epekto ng lindol, na tinatawag na “The Big One,” ay maaaring umabot sa hindi bababa sa 35,000 katao ang posibleng mamatay, maaari ring umabot sa 120,000 ang masugatan at ang pagkalugi sa ekonomiya ay aabot sa 2.5 trilyong piso.

Ang isang ektaryang center na pag-aari ng MMDA ay matatagpuan sa  Carmona Sanitary Landfill sa Cavite City ay lalagyan ng kinakaila­ngtang facilities at tools para gamitin ng mga magsasanay.

Inaasahang bubuksan ang training center bago magtapos ang taong ito, na paunang ipagagamit sa 17 Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMO). Kinakailangan ng medical clearance para sa isang interesadong rescuer bago siya makasali upang matiyak na siya ay physcially fit para sumailalim sa pagsasanay.

LATEST

LATEST

TRENDING