Duterte idepensa vs ’ICC probe sa drug war’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinangunahan ni dating Pangulo at ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at 18 pang mambabatas ang nagkakaisang panawagan sa Kamara para suportahan at ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng imbes­tigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y madugong giyera kontra droga sa panahon ng termino nito.

Ipinunto ni Macapagal Arroyo (2nd District Pampanga) na ang Pilipinas ay kumalas na sa pagiging miyembro ng ICC noon pang 2019.

Ang 19 mambabatas ay naghain ng House Resolution (HR) No. 780 na pinamagatang “A Resolution In Defense of former President Rodrigo Roa Duterte, the 16th President of the Republic of the Phi­lippines, Against Investigation And/Or Prosecution of the International Criminal Court”, na humihikayat sa Kamara na ideklarang “unequivocal defense of former President Rodrigo Roa Duterte.” 

Binigyang diin sa HR 780 na katangi-tangi ang naging accomplishments ni dating Pangulong Duterte sa giyera nito kontra droga, insurgency, separatism, terorismo, korapsyon sa gobyerno at kriminalidad na nakatulong para mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino bilang mahusay, kompor­table at matiwasay.

Idinagdag pa ni Arroyo na nakabuti sa bayan ang drug war ni Pangulong Duterte dahil nakapamuhay ng mapayapa ang mga Pilipino, nawala ang mga holdaper at nakakapag­lakad na ng payapa ma­ging sa kadiliman ng gabi sa panahon ng termino ni Digong.

LATEST

LATEST

TRENDING