Paggamit ng hybrid rice, inaprub ni Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang rekomendasyon na paggamit ng hybrid rice upang mapataas ang ani ng mga magsasaka.

Nakipagpulong sa pangulo sa Malacañang ang mga opisyal ng SL Agritech Corporation (SLAC) na pinangunahan ng kanilang Chairman at Chief Executive Officer Henry Lim Bon Liong at ilang magsasaka sa Central Luzon upang matugunan ang mga pagsubok sa industriya ng palay.

Sa ginanap na pulong ay iminungkahi ng SLAC sa Presidente ang paggamit ng hybrid seeds mula sa karaniwang punla na ginagamit ngayon ng mga magsasaka upang mapataas ang kanilang produksyon at madagdagan ang kanilang kita.

Iminungkahi rin ng SLAC na i-convert ang 1.90 million hectares target areas para pagtaniman ng hybrid na butil ng palay sa loob ng apat na taon. Ang SLAC ay isang pribadong kumpanya na gumagawa ng pagsasaliksik, development, production at distribusyon ng hybrid seeds at premium quality rice.

Lumabas sa pag-aaral ng Department of Agriculture (DA) at local government units na sa nakalipas na dalawang taon ay nakapagtala ng 41% mas mataas na ani ang paggamit ng hybrid seed ng mga magsasaka kumpara sa dating punla ng palay na ginagamit ng mga ito.

LATEST

LATEST

TRENDING