Minimum wage policy, pinarerepaso ni Tulfo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Naghain ng resolusyon si Sen. Raffy Tulfo para rebyuhin ang kasalukuyang polisiya ng gobyerno sa minimum wage increase para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa, partikular na ang mga nasa lower income bracket.

Sa Senate Resolution No. 476, sinabi ni Tulfo na tila hindi sapat ang minimum wage increase noong nakaraang taon dahil ma­rami pa ring manggagawa ang nakakaranas ng problemang pinansyal.

Ang pinakahuling minimum wage increase ay noong Hunyo 4, 2022 kung saan ang rate ay mula  P533 hanggang P570 kada araw sa NCR.

Samantala, ang minimum wage hike naman sa mga probinsiya ay mula Hunyo 6-30, 2022 na mula P306 hanggang P470.

Sa kabila ng nasabing pagtaas, sinabi ni Tulfo na ang tumataas na inflation na tumaas pa sa 8.7% noong Enero 2023 ay may malaking epekto sa pamumuhay ng mga manggagawa.

“It is imperative to improve the standard of living and quality of life for workers, particularly those in the lower income bracket, and to ensure that the policies on the minimum wage increase are fair, effective, and consistent with the needs of the workers and the economy,” dagdag ni Tulfo.

LATEST

LATEST

TRENDING