P150 bilyong investment pledge, inaasahan sa Japan trip ni Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inaasahang magbubunga ng P150 bilyon investment pledges ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan ngayong linggo.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano, nakatakdang makipagkita si Marcos sa mara­ming Japanese businessmen sa isang business opportunities seminar.

“In the President’s visit to Japan, we are expecting that substantial returns in terms of new projects, the value of which we currently estimate at P150 billion and we estimate too these will generate employment for 8,000 Filipinos,” pahayag ni Garcia-Akbano sa programang Rundown ng ANC.

Nakatakda aniyang makipagpulong si Marcos sa mga chairmen at nangungunang executive ng electronics, semiconductors, printers at wi­ring harness manufactu­ring companies sa isang roundtable meeting.

Aalis ng Maynila si Marcos ngayon, Pebrero 8.

Sa kanyang 5 araw na biyahe, inaasahang makikipagkita rin si Marcos at ang kanyang asawa kina Emperor Naruhito at Empress Masako.

Noong unang bahagi ng Enero, nagpahayag si Marcos ng pagnanais na bumisita sa Tokyo, na nagsasabing ang Pilipinas ay “nakikita bilang isang mahalagang bahagi ng pagpapanatili” ng seguridad sa rehiyon “sa pakikipagtulungan sa mga kaibigan” tulad ng Japan at iba pang mga bansa sa rehiyon ng Indo-Pacific.

LATEST

LATEST

TRENDING